Paglalarawan ng Kurso
WHMIS (Tagalog)
Alam mo ba kung ano ang Workplace Hazardous Materials Information System (WHMIS)? Kung ang iyong lugar ng trabaho ay may mga mapanganib na produkto, tulad ng mga kemikal, kailangan mong magkompleto ng WHMIS training and education alinsunod sa requirements ng Occupational Health and Safety Regulation (OHSR) 5.6 & 5.7.
Sinisigurado ng WHMIS training and education na nalalaman ng mga manggagawa na ang ligtas na paggamit, paghawak, pagtago, at disposal ng mga materyales na ito sa lugar ng trabaho ay kinokomunika. Ang kursong ito ay dinisenyo ayon sa WorkSafeBC regulatory requirements para sa training ng mga bagong miyembro at ito’y magagamit sa lahat ng mga industriya sa BC.
- Layunin ng kursong ito na bigyan ang táong nag-aaral ng isang overview ng sistema ng WHMIS, kabilang na ang batas, mga panganib, pictograms, labels, Safety Data Sheets (SDS), at WHMIS program requirements.
- Ang layunin ng WHMIS Education online course ay ang ituro ang basic elements (hazard classification [klasipikasyon ng mga panganib], safety data sheets, labels) ng isang WHMIS program sa mga manggagawang kalahok sa paggamit, sa storage, at paghawak ng mga kemikal sa lugar ng trabaho.
Pre-requisite
Mga Paksa ng Kurso
- Ano ba ang WHMIS?
- Paano ginagawa ang klasipikasyon ng mga mapanganib na produkto
- Pictograms
- Mga Label
- Safety Data Sheets (SDS)
- Pagsasagawa ng WHMIS
Mga Layunin sa Pag-aaral
Sa katapusan ng kursong ito ay dapat magagawa mo ang sumusunod:
- Malaman ang layunin at mga elemento ng WHMIS
- Malaman ang mga tungkulin at mga responsibilidad
- Maanalisa ang batas na may kinalaman sa WHMIS
- Makilala ang iba’t-ibang hazard classes at pictograms nang malaman kung gaano kalala ang mga mapanganib na produkto o kung ano ang katangian nito
- Makilala ang mga kinakailangang komponente ng labels ng mga supplier at ng lugar ng trabaho
- Matukoy ang 16 na seksyon ng SDS para matasahan ang kahalagahan nito nang masigurado ang kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa
- Malaman ang tungkulin ng employer at manggagawa sa pagsasagawa ng isang WHMIS program
Target Audience
- Layunin ng kursong ito na maabot ang maraming tao, kabilang na ang frontline workers, supervisors, at mga manager sa anumang industriya. Ang kursong ito ay requirement para sa lahat ng mga employer at mga manggagawang gumamit, nagtago, o humawak ng mga mapanganib na produkto sa kanilang lugar ng trabaho alinsunod sa Occupational Health and Safety Regulation seksyon 5.3.
Ito’y mainam para sa:
- Mga manggagawa sa frontline
- Mga manggagawa sa maintenance
- Mga manggagawa sa paglilinis at sanitation
- Mga manggagawa sa bodega
- Ang sinomang manggagawa na gumagamit o humahawak ng mga mapanganib na materyales – mula sa mga organisasyon — gaano man kalaki — at sa anumang industriya
- Mga manager
- Mga supervisor
- Joint health at safety committee members o mga kinatawan ng mga manggagawa para sa kalusugan at kaligtasan
Gaano Katagal ang Kurso at ang Format Nito
Pag-aseso at Pagkompleto
- Kailangang kumpletohin ng mga estudyante ang buong 2 elemento ng kurso (Komponente ng Pag-aaral at Quiz) para ma-i-download nila ang kanilang sertipiko ng pagkompleto ng kurso.
- Hindi kailangang tuluy-tuloy na kumpletohin ng mga estudyante ang buong kurso dahil pinahihintulutan sila ng self-paced course format na magpatuloy kung saanman sila tumigil.